5 Kahulugan Ng Salitang Heograpiya
5 kahulugan ng salitang heograpiya
Answer:
Explanation:HEOGRAPIYA
Ang Heograpiya ay ang pag-aaral ng mga lugar at ang mga relasyon sa pagitan ng mga tao at sa kanilang mga kapaligiran. Sinusuri ng mga geographer ang parehong pisikal na katangian ng mundong ibabaw at ang mga lipunan ng tao na namumuhay sa loob nito.
Sinusuri din nila kung paano nakikipag-ugnayan ang kultura ng tao sa likas na kapaligiran, at ang paraan na kung saan ang mga lokasyon at lugar ay maaaring magkaroon ng epekto sa mga tao. Ang Heograpiya ay naglalayong maunawaan kung saan matatagpuan ang mga bagay, kung bakit naroroon ang mga ito, at kung paano sila nalikha at nagbabago sa paglipas ng panahon.
Ang salitang heograpiya o "geography" ay nagmula sa mga sinaunang Griyego, na nangangailangan ng isang salita upang ilarawan ang mga kasulatan at mga mapa na tumutulong sa kanila na maunawaan ang mundo kung saan sila nakatira. Sa salitang Griyego, ang geo ay nangangahulugang ""mundo"" at ang graphy naman ay ""ang pagsulat.""
Gamit ang heograpiya, ang mga Griyego ay nakalikha ng kaalaman ukol sa kung saan ang lokasyon ng kanilang tirahan, ano ang hugis ng lugar na kanilang kinaroroonan pati na ang iba pang lugar sa mundo, at kung paano pagkakabahagi ng mga tao at likas na yaman.
Ang saklaw ng heograpiya ay mababasa sa: brainly.ph/question/118352.
HEOGRAPIYA NG DAIGDIG
90% ng populasyon ng daigdig ay naninirahan sa Northern Hemisphere. Ang buong daigdig na tinatawag nating Earth ay nabubuo ng pitong kontinente:
Asia
Europe
North America
South America
Antarctica
Africa
Oceania
HEOGRAPIYA NG PILIPINAS
Kontinente: Asia
Lokasyon sa Globo: 13°00N 122°00E
Area: 300,000 km2
Lupa: 99.38%
Tubig: 0.62%
HEOGRAPIYA NG ASYA
Ang Asya ay ang pinakamalaking kontinente sa mundo, na sumasakop sa humigit-kumulang 30 porsiyento ng lupa ng buong daigdig. Ito rin kontinente na may pinakamaraming tao sa mundo, na may halos 60 porsiyento ng kabuuang populasyon.
Ang Asya ay maaaring nahahati sa limang pangunahing pisikal na rehiyon: mga sistema ng bundok; talampas; kapatagan, steppes, at disyerto; freshwater environment; at mga kapaligiran sa dagat.
Pinakamalaking Urban Area: Tokyo-Yokohama, Japan (37.8 million people)
Highest Elevation: Mount Everest, Nepal: 8,848 meters/29,029 feet
Pinakamalaking Watershed: Ob River (3 million square kilometers/1.15 million square miles)
Population Density: 246 people per square kilometer
sorry ayan lang alam ko
Comments
Post a Comment